“Ang Hindi magmahal sa sariling wika ay higit
sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin
ay nagpala”. Ito ay isa sa pinakatanyag na katagang nagmula sa ating pambansang
bayani na si Gat. Jose Rizal na
nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na
kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga sa wika. Kahit maraming
wikang banyaga ang alam ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at
pinahalagahan ang wikang Filipino.
Ngayong buwan ng Agosto, ating
gunitain at ipagdiwang ang buwan ng wika sa temang, “Filipino: Wika ng
Pagkakaisa”. Ipinapaalala ng wikang Filipino ang kahalagahan nito upang lubos
na makilala ang yaman ng ating kultura.
Ating pasalamatan ang tinaguriang “Ama
ng wikang Pambansa”, dating Pangulong Manuel Roxas sa pagkakaroon ng iisang
lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika ang
isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito.

No comments:
Post a Comment